Mansanas
MANSANAS noong bata pa kami, si Ama'y may mansanas na bitbit isang mansanas subalit hahatiin ng malililiit para sa aming magkakapatid, sa akin ay malinggit sa likod ng simbahan ng Bustillos, may Manzanas street hanggang aking napagnilayang isang tula ang mabigkas pagkat sa diwa ko't saloobin, ito ang inaatas sa ganitong gawain, naging masikap ako't magilas taludtod at saknong, tugma't sukat ang agad mamamalas hanggang mahalukay sa diwa'y kasaysayan ng mansanas kinain ni Adan ang mansanas na binigay ng ahas kay Eva, sa ulo ni Newton may bumagsak na mansanas ang kumpanya ni Steve Jobs, logo'y may kagat na mansanas ngayon, sa aming mesita, may dalawa kaming mansanas tatlo kami sa bahay, paano ko hahatiing patas dalawang katlo o two-third, sa aritmetika'y lumabas buti't sa pagkakahati nito, binahagi'y parehas - gregoriovbituinjr. 12.29.2024