Bente pesos na ang tatlong pirasong tuyo
BENTE PESOS NA ANG TATLONG PIRASONG TUYO bibilhin ko sana'y tsamporado na bente singko pesos ang presyo ubos na, nagtuyo na lang ako bente pesos ang tatlong piraso luto na iyon sa pinagbilhan na aking inulam sa agahan na sinawsaw ko sa suka't bawang sagot din sa tiyang kumakalam ngunit kaymahal na ng halaga ang tatlong tuyo'y bente pesos na kamatis nga, sampu bawat isa presyo'y tumataas nang talaga kung sa gutom, mata'y lumalabo ngayon, gutom ko'y agad naglaho sa pagkain nama'y di maluho mabusog lang, ayos kahit tuyo - gregoriovbituinjr. 01.21.2025