Posts

Showing posts from February, 2025

Nilagang daing na tuyo

Image
NILAGANG DAING NA TUYO imbes prituhin, aking inilaga ang ilang nabiling daing na tuyo wala namang problema sa hinanda ang mahalaga lang, ito'y maluto mula sa karaniwang pagpiprito ng tuyong daing, iniba ko naman tingin mo man, ito'y eksperimento ngunit sagad sa buto ang linamnam imbes mantika, ginamit ko'y tubig tila isda'y ibinalik sa ilog subalit sadyang malasa sa bibig pananghalian ko'y nakabubusog - gregoriovbituinjr. 02.24.2025

Pananghalian

Image
PANANGHALIAN payak lang ang pananghalian ginisang sardinas na naman pagkain ng nagmamakata matapos magmuni't tumula kahit papaano'y nabusog sa ulam na may konting sahog na kamatis, bawang, sibuyas upang katawan ko'y lumakas tara, kain tayo, katoto ulam ko man ay di adobo mabuti't may pagkaing sapat na dapat ipagpasalamat ginisang sardinas mang ulam ngunit sadyang nakatatakam - gregoriovbituinjr. 02.05.2025