Posts

Showing posts from March, 2025

Almusal

Image
ALMUSAL nakakagutom sa madaling araw kaya bumili muna ng pandesal mamaya lang, puputok na ang araw habang nariritong nag-aalmusal nalilirip ay samutsaring paksâ hinggil sa buhay at isyu ng masa bakit naghihirap pa rin ang dukhâ? bakit ba nagdidilim ang umaga? bakit salot ang kontraktwalisasyon? bakit manggagawa'y di maregular? tibak na Spartan ba'y anong misyon bakit ba trapo'y pulos lang paandar? maraming napagninilayang kwento, tula't sanaysay habang kumakain ng pandesal, anong linamnam nito ang tibak nga'y nagiging malikhain - gregoriovbituinjr. 03.12.2025

Kamatis at tuyo, na naman

Image
KAMATIS AT TUYO, NA NAMAN kamatis at tuyo ang ulam sa agahan sa tanghali, kamatis at tuyo na naman ang inuulam ay kung anong naririyan wala nang pili, mahalaga'y mabusog lang simpleng pagkain, puspusang pakikibaka simpleng pamumuhay ng isang aktibista kinakain ay tulad sa dyip, gasolina ng katawan upang makakilos sa masa pagkatapos magtipa ng mga sulatin pagkatapos ng gawaing bahay, kakain muling mag-oorganisa, at hahanapin ang mga isyung dapat ipaglaban natin paminsan-minsan lang ang tuyo at kamatis bukas, sa bawang at sibuyas magtitiis mahalaga'y malusog pa tayong aalis at matatag kahit katawan ay manipis - gregoriovbituinjr. 03.10.2025

Pipino at mansanas

Image
PIPINO AT MANSANAS iyon lang ang pananghalian niya pipino at mansanas lang talaga istabilidad ay hinahanap pa kung anong wastong pagkain sa kanya kaytagal, hanggang ngayon hinahanap kung anong sanhi ng sakit at hirap tatlong testing na, wala pa ring ganap ang mga doktor na'y nagsusumikap doon sa ospital na mamahalin sanhi'y di pa batid, ano ang lihim ng sakit na nagpahirap pa man din sa kabila ng milyong tumaginting kinain niya'y pipino't mansanas baka maibsan ang sakit na danas baka ito ang kailangang lunas baka... baka?! baka siya'y lumakas - gregoriovbituinjr. 03.02.2025