Posts

Showing posts from July, 2025

Relief goods

Image
RELIEF GOODS mahilig pa rin talagang mang-asar si Kimpoy ng Barangay Mambubulgar kadalasan, komiks ay pagbibiro ngunit may pagsusuri ring kahalo: nagtanong ang anak sa kanyang ina relief goods na mula taga-gobyerno ay ubos na raw ba? sagot sa kanya bigay ba nila'y tatagal? tingin mo? saan aabot ang sangkilong bigas sa atin lang, kulang na sa maghapon at ang dalawang lata ng sardinas isa'y ginisa, isa'y agad lamon mahalaga'y mayroon, kaysa wala at isang araw nati'y nakaraos di tayo nganga, bagamat tulala saan kukunin ang sunod na gastos ang mga nagre-relief ay may plano ilan ang bibigyan, pagkakasyahin at kung nabigyan ka, salamat dito kahit papaano'y may lalamunin subalit kung tiwali ang nagbigay nitong sangkilong bigas at sardinas baka wala tayong kamalay-malay yaong para sa atin na'y may bawas - gregoriovbituinjr. 07.24.2025 * litrato mula sa pahayagang Bulgar, Hulyo 24, 2025, pahina 3

Tira sa hipon

Image
TIRA SA HIPON kinain ng dalawang pusa ang natirang balat at ulo ng hipon, mabubusog sadya ang dalawang pusang narito binili ko'y samplatong hipon siyam ang laman, isang daan bukas ay samplatong galunggong para agahan at hapunan tinitirhan yaong alaga ng mga natirang pagkain pati na ang ligaw na pusa sa kanya'y nakisalo na rin kung mayroong maibibigay mga pusa'y bigyan ding tunay - gregoriovbituinjr. 07.14.2025 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/1BEj49zewU/  

Gulay sa pananghalian

Image
GULAY SA PANANGHALIAN kamatis, sibuyas, / bawang, okra, talong anong sarap nitong / ating ulam ngayon pagkat pampalakas / ng katawan iyon tiyak maiibsan / ang nadamang gutom tara nang mag-ulam / ng mga gulayin iniluto upang / gumanang kumain datapwat kayraming / mga iisipin habang sumusubo / nagninilay pa rin payak na almusal / at pananghalian at pampatibay pa / ng mga kalamnan tatatag din naman / ang puso't isipan makatatagal pa / sa mga takbuhan halina't kumain / nitong mga gulay na kasangga upang / tumagal sa buhay - gregoriovbituinjr. 07.13.2025

Tahong

Image
TAHONG kaysarap ng tahong sa pananghalian sa kanin mang tutong ay pagkalinamnam tarang mananghali tiyan ay busugin ang bawat mong mithi ay baka kakamtin sa ulam na payak ay mapapasayaw at mapapalatak araw ma'y mapanglaw tahong na kaysarap habang naninilay na pinapangarap ay mangyaring tunay - gregoriovbituinjr. 07.12.2025

Centrum, pandesal at Revicon

Image
CENTRUM, PANDESAL AT REVICON payak lamang yaring pamumuhay subalit narito't napagnilay katawan ay palakasing tunay sa kabila ng danas na lumbay kaya aking inalmusal ngayon ay  Centrum, pandesal at Revicon lumakas at ituloy ang misyon bagamat gunita ang kahapon sapagkat kayrami pang gagawin unang nobela pa'y kakathain kathang maikling kwento'y tipunin pati na mga ginawang salin balak tapusing pagsasaaklat ng tula't anumang nadalumat ng kwento't sanaysay na nasulat habang patuloy na nagmumulat - gregoriovbituinjr. 07.12.2025

P45 budget meal

Image
P45 BUDGET MEAL halos isang kilometrong layo rin upang sa budget meal ay makakain minsan lang naman, pag may lalakarin subalit sa bahay, pulos gulayin dapat ding magpalakas ng katawan kasabay ng paglusog ng isipan huwag titiisin ang kagutuman sa tamang oras ay kumain naman niyakap ang payak na pamumuhay kapag may panahon ay nagninilay maaga ring umuuwi ng bahay nang katawan ay pahingahing tunay sa budget meal, kwarenta'y singko pesos na tama lang sa makatang hikahos bitamina'y tinitiyak ding lubos upang katawan ay nakararaos - gregoriovbituinjr. 07.10.2025