Talbos ng sibuyas
TALBOS NG SIBUYAS bente pesos ang tatlong piraso ng nabiling talbos ng sibuyas mayaman sa Bitamina A, C, K, at fiber o hibla, mabuti at pampalakas ng immune system nagpapabuti rin ng panunaw at nagpapatibay rin ng buto sagana rin daw sa antioxidant tumutulong bumaba ang presyon ng kolesterol, at mayroon ding anti-inflammatory properties na anong inam para sa puso at pangkalahatang kalusugan kaya itong talbos ng sibuyas ay inuulam ko't pampalakas - gregoriovbituinjr. 02.28.2026 * datos mula sa google